Sabado, Oktubre 15, 2016

Maikling Kwento: “Panaginip”

Mayroong isang binatang lalaki na nagngangalang Albert. Gabi-gabi ay may napapanaginipan syang isang babae, hindi niya malaman kung sino at ano ang itsura nito dahil sa napakasilaw ng lugar kaya di niya ito ma-aninag. Isang araw, ang kanyang ama ay nagkaroon ng malalang sakit kaya kinakailangan na lunasan ito sa madaling panahon. At ang tanging lunas lamang ay ang isang bulaklak na hindi madaling Makita o mahanap at ito ay ang bulaklak ng buhay. Iminungkahi ni Albert sa kanyang ama na kailangan syang lumisan ng kanilang lugar at hanapin ang tanging lunas sa medaling panahon dahil nakasalalay sa kanyang ama ang kinabukasan ng kanilang bayan sapagkat ang kanyang ama ang namumuno dito at batay sa kanilang batas hindi pa maaaring mailipat kay Albert ang trono dahil wala pa sya sa sapat na edad. Mayroong pitong kagubatan na dapat lalakbayin si Albert at sa pitong kagubatan na ito, ang bulaklak ay naroon lamang sa isang natatanging kagubatan kaya kailangan niya itong hulaan at mahanap. Bago maglakbay, naghanda na kaagad si Albert at ang tanging dala niya lang ay dalawang pares ng damit, bote ng tubig, at tatlong pan. Una niyang nilakbay ang bundok ng pyparus, ang bundok na ito ay puno ng mga nakalalasong amoy ng bulaklak kaya habang nilalakbay niya itong bundok, tinatakpan rin niya ang kanyang ilong upang hindi mahilo at magpatuloy sa paglalakbay, natapos niya ang paglalakad sa bundok ngunit siya ay nanghihina na. Ang sumunod na bundok na kanyang lalakbayin ay ang bundok higante. At ang bundok na iyon ay puno ng marami-raming mga higante kaya kinakailangan niyang umisip ng paraan upang makalusot sa mga ito kaya ang tanging naisip niya lamang ay pahiran nya ng dumi ang kanyang katawan upang matakpan ito. At sa huli ay matagumpay na nagawa ito ni Albert. Sa ikatlong bundok naman na nada-anan ni Albert ay ang bundok na napaka-mapanganib na di ina-asahan ni Albert dahil sa napakaraming mga bangin na nakapaloob dito. Nakakita si Albert ng isang talon at tumungo siya dito at naparami ang inom niya ng tubig dahil siya ay uhaw na uhaw. Hindi batid ni Albert na ang pinuntahan niyang talon ang naging dahilan upang mapunta sya sa maling direksyon. Kaya nagpatuloy si Albert sa paglalakad ng di niya namalayan na siya ay hinang-hina na pala kaya bigla nalang siyang nahilo at tuluyang bumagsak sa malalim at liblib na bangin. Ilang minuto ang nakalipas, at nagkamalay na siya, nakarinig siya ng boses ng isang babae at ito ay tila isa sa mga pinakamagandang boses na kanyang napakinggan. Dahan-dahan na idinilat ni Albert ang kanyang mga mata, malapitan niyang natanaw at na-aninag ang mukha ng babae at sa di ina-asahan ang babae na nasa kanyang harapan ay ang babae palang nasa panaginip niya. Nagkatitigan sila at sabay na kinilala ang isa’t-isa ang panganlang pala ng babae ay Rosa. Nagtanong si Rosa kay Albert kung bakit at ano ang dahilan paano napunta si Albert doon, “Ang aking ama ay may malubang karamdaman at ang tanging lunas lamang dito ay ang bulaklak ng buhay” sagot naman ni Albert. At si Albert naman ang nagtanong kay Rosa paano siya napunta doon, “Ako ay ikinulong dito ng aking salbaheng mangkukulam na kapit-bahay dahil siya ay naiingit sa aking kagandahan” sagot naman ni Rosa. Ginugol nila ang kanilang oras at napalapit ang kanilang loob sa isa’t-isa. Sinabi ni Albert na hindi sila pwede na manatili lang doon kaya nag-isip sila pareho ng paraan upang makalabas sa bangin. Mabuti na lang ay may may lubid na idinala si Albert loob sa kanyang sisidlan kaya ito ang kanilang ginamit. At saw akas ay nagtagumpay sila at inamin rin ni Rosa na siya ay isang diwata at sa kanya rin mahahanap ang bulaklak ng buhay, dahil sa ini-ingatan talaga ito ni Rosa ay ikinabit niya ito parati sa kanyang buhok at ginawang tali ng buhok. Hindi makapaniwala si Albert sa kanyang narinig. At napagpasyahan ni Rosa na sumama kay Albert at ibigay ito sa kanyang ama na nangangailangan ng lunas kapalit ng malaking tulong na ginawa ni Albert para sa kanya. Ilang buwan ang lumipas si Albert at Rosa ay nagsama at nagpakasal at sila ay namuhay ng masaya at mapayapa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento