Sabado, Oktubre 15, 2016

Mitolohiya: “Tadhana”

May isang kaharian na puno ng kagandahan at kaysigla ng pamumuhay lalo na ang mga mamamayan. Hindi lang dahil sa maganda ang paligid nito kundi ay dahil rin sa tatlong anak ng reyna, dahil sa nakakasilaw nilang kagandahan. Pinoprotektahan ng mga mamamayan ang tatlong prinsesa upang mapanatili ang kagandahan at kaligtasan ng pamayanan. Nasa kamay ng reyna at hari ang lahat ng katangian ng kapangyarihan maliban nalang sa tatlong kapangyarihan na ibinahagi nila sa kanilang tatlong anak. Ang tatlong prinsesa ay sa Eris, Eve, at si Eun. Si Eris ang nakakatandang kapatid at taglay niya ang kapangyarihan ng apoy. Si Eve ang ikalawang nakakatandang kapatid at taglay niya ang kapangyarihan ng hangin. At si Eun naman ang bunso nilang kapatid at ang kanyang kapangyarihan ay tubig. Sa isang banda ang reyna at ang hari ay nagpatupad ng isang magarang kasiyahan dahil darating ang dalawang prinsipe galing sa malayong kaharian. Ang dalawang prinsipe ay si Jas at si Ran. Si Jas ang pinakamatandang kapatid at sinu-solusyunan niya ang mga problema ng kanilang pamayanan at pasayahin ang mga taong malungkot. Si Ran naman ay kaya niyang paibigin ang isang tao at palambutin ang batong puso ng isang tao. Ang lahat ay hindi magkaugaga sa paghahanda para sa kasiyahan. Ang mga prinsesa naman ay naghahanda sa kanilang susuutin at pagpaganda. Si Eun naman ay nagagalak na makita si Ran dahil matagal na niya itong hinahangaan kahit ang kaniyang mga kapatid hindi nila alam ang lihim nitong pagtingin. Sa araw na ito balak ng prinsesa na ipagtapat ang kaniyang pag tingin kay Ran kaya lubos siyang naghanda. Tumunog na ang trumpeta na senyalis na dadarating na ang mga bisita. Sa isang malaking mesa umupo ang dalawang prinsipe kasama ang kanilang mga magulang. Ang kanilang tagapag salita ay ina-nunsiyo na bababa na ang tatlong prinsesa, unang bumaba ay si Eris at inalalayan agad ni Jas at sumunod naman si Eve at inalalayan agad ni Ran at sobrang nagulat si Eun sa nangyari. Nang nakita ng kaniyang ama na walang umalalay kay Eun kaya ang kanyang ama nalang ang umalalay sa kanya pababa. Binaliwala nalang niya ito at inisip niya na nauna lang bumaba ang kanyang kapatid kaya naghanda siya sa susunod niyang diskarte na ipagtapat ang kaniyang nararamdaman. Ang lahat ay kumakain na at ng matapos ang kainan bigla nalang tumugtog ang isang magandang awitin na kailangang sayawin ng mag kasintahan. Naisipan ni Eun na ito na ang tamang panahon. Lalapit na sana siya ng biglang tumayo si Ran at pumunta sa harapan ni Eve at niyaya niya itong magsayaw at pumayag naman ito. Natulala si Eun sa nangyari lalapit na sana siya ng biglang nagsalita si Ran, “Eve nang una kitang nasilayan sa aming lugar labis ang tibok ng aking dibdib at nang makilala kita ng matagal mas lalo akong nahulog sayo at gusto kung sabihin sayo na mahal kita”. Biglang nabitawan ni Eun ang basong daladala nito at nagulat ang sina Ran at Eve at napalingon sila sa kinalalagyan nito at biglang tumakbo ng mabilis si Eun palabas sinubukan nila itong habulin ngunit malayo na ito. Sobrang nalungkot si Eve dahil sa ikinikilos ni Eun dahil nalaman niyang may lihim itong pagtingin kay Ran. Nang nakalabas na si Eun agad siyang dumiretso sa baybayin at gamit ang kaniyang kapangyarihan binuo niya ang tubig na mala buhawi at sumakay siya dito gusto niyang makalayo at ayaw na niyang bumalik doon dahil masasaktan lang siya. Sobrang dilim ng paligid at lumingon siya sa kaniyang paligid nakita niya sa kaniyang likuran na maraming humahabol sa kanya at hindi niya ito kilala o mga kawal man lang nakaramdam siya ng takot dahil sila ay nakasakay sa walis. Sa kanyang likod ay nakita niya ang babae na tinutukan siya ng isang mahiwagang kumpas at may sinabi ito ng bigla itong lumiwanag at parang matatamaan siya at umiiwas siya dito dahil hindi niya alam ang mangyayari pag natamaan siya nito, unang beses niyang makakita nang ganoong mahika. Biglang lumakas ang hangin at sa sobrang lakas hindi na niya kayang kontrolin ang tubig. Nang may nakita siyang isang lupain huminto siya dito at bumaba. Agad-agad siyang bumaba dito at tumakbo ng mabilis, hindi na siya lumilingon dahill alam niya na hinahabol siya ng mga ito . Malapit na siyang mahuli ng biglang may humila sa kanya at tinakpan ang kaniyang bibig, ng napag alaman ni Eun na wala na  ang mga humahabol sa kanya, binitawan niya ang kaniyang kamay at humarap siya sa humila sa kanya. “Binibini, ayos kalang ba? mabuti pa at sumama ka sakin, dahil ligtas ka sa bahay ko.” sambit ng lalaki. Nagdadalawang-isip si Eun ngunit nakumbinsi siya ng lalaki. Papunta sila sa isang magubat na lupain at mayroong  pinto sa ilalim ng lupa binuksan niya ito at may hagdan sa loob inalalayan siyang makababa hanggang nakarating siya sa isang malaking palasyo at napag alaman ni Eun na ang mga mamamayan doon ay mga diyos at diyosa. At ang mga humabol sa kanya ay mga mangkukulam at balak nilang kunin ang kanyang kapangyarihan. Napag alaman rin niya na ang lalaki ay si prinsipe Winston. At ang ikinagulat niya na si prinsipe Winston pala ang bunsong kapatid nila Jas at Ran. Prinsipe siya ng paglalakbay at pag-aalaga ng kalikasan, at napag-alaman ni Eun na tumakas ang prinsipe sa kanilang kaharian dahil ayaw siyang pahintulutan ng hari na  maglakbay kaya sinunod niya ang kanyang sarili at naglakbay siya at napadpad doon. Sa pagdating ng mahabang panahon nagkamabutihang loob sila Eun at prinsipe Winston kaya nagtapatan na sila ng kanilang mga nararamdaman. Nauwi sa magrandeng kasalan kasama ang kanilang mga pamilya. Nagkapatawaran at nagkabati narin silang magkakapatid. At naging mapaya, sumigla at lalong mas gumanda ang kanilang pamumuhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento