Sabado, Oktubre 15, 2016

Dula-dulaan: “Kaibigan ko nga ba?”

Si Zonia ay isang mabait, masayahin at matalinong dalaga, halos lahat nasa kanya na kaya sya ay hinangangaan ng iba. Marami-rami narin ang nangligaw kay Zonia ngunit lahat nang ito ay bigo dahil para sa kanya wala pa sya sa tamang edad para magkaroon ng kasintahan at pinagbabawalan din siya ng kanyang mga magulang. Kaya mga kaibigan lang muna niya ang kanyang parating kasama sina Claire, Ara, at Maine.
Maine: Zonia, kilala mo si Carlo? Nagtanong sya sakin kanina kung pwede bad aw manghingi ng number mo?
Zonia: Sinong Carlo? Sabihin mo ayoko at tsaka hindi ko rin naman siya kilala.
Maine: Ang sungit naman nito. Oh sige, sabihin ko mamaya.
Ganoon parati si Zonia sa lahat ng mga lalaki na naghahabol sa kanya. Maya-maya habang papunta si Zonia ng canteen dahil may bibilhin siya lumapit si Maine sa kanya.
Maine: Zonia? Kinukulit ako ni Carlo kung pwede ba daw humingi ulit ng number mo baka kasi pumayag ka na daw. Gusto ka daw niya kasing maging kaibigan.
Zonia: Oh sige na nga.
Binigay ni Maine kay Carlo ang number ni Zonia. Kaya sila Carlo at Zonia ay nag-umpisa nang magkakilala sa text. Namangha si Zonia sa ugali ni Carlo dahil ito ay tapat sa kanyang sarili at pakiramdam niya ay iba si Carlo sa ibang mga lalaki.
Claire: Zonia, ang swerte mo talaga kay Carlo dahil napakabait talaga nito.
Zonia: Ano kaba. Hindi naman kami. Hanggang kaibigan lang yun.
Claire: Ahhh ganun ba.
Araw-araw nang magka-text sina Zonia at Carlo sa isa’t-isa at napalapit na rin ang kanilang mga loob. Hanggang sa dumating ang punto na nagtanong si Carlo kay Zonia na kung pwede bang manligaw. Natagalan ang pagsagot ni Zonia at sa huli ay pumayag siya.
Zonia: May sasabihin ako sa inyo. Pumayag na akong mangligaw si Carlo sa akin.
Claire, Ara, at Maine: Talaga?
Ara: Hindi kami makapaniwala dahil sa wakas ay magkakaroon ka na talaga ng kasintahan.
Zonia: Hahaha. Pero mas kikilalanin ko muna siya bago ko siya sasagutin.
Lumipas ang limang buwan at sila na nga nina Zonia at Carlo. Parati silang magkasama at masaya sa isa’t-isa. Hanggang sa umabot sila ng ika-labing-isang buwan ng pagiging sila. Ngunit hindi alam ni Zonia na mayroon palang gusto si Claire kay Carlo matagal-tagal na.
Claire: Alam mo Ara? Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko at ang sakit-sakit na sa tuwing makikita ko sila Zonia at Carlo na magkasama.
Ara: Kung gayon? Anong nais mong gawin?
Claire: May naisip akong plano, gusto kong tulungan mo ako upang maging matagumpat ito at mapa sa akin si Carlo.
Ara: Oh sige Claire. Tutulungan kita diyan. Alam mo naman na dati pa lang may konting inggit na ako diyan kay Zonia.
Pinag-usapan kaagad nina Claire at Ara ang kanilang masamang naisip na plano. Hindi nila pinag-alam at sinali si Maine sa kanilang plano dahil batid nila na tapat si Maine kay Zonia. Kaya inumpisahan na ni Claire ang kanyang plano at kina-usap niya si Carlo.
Claire: May sasabihin ako sayo Carlo, nakita namin kanina si Zonia na may kasamang iba habang namamasyal sa mall. Gusto ko lang malaman mo ito dahil na-aawa ako sayo sa ginawa Zonia. Mas mabuti na huwag mo nalang ipa-alam kay Zonia na ako ang nagsabi sayo.
Carlo: Totoo ba yan Claire? Hindi ako naniniwalang magagawa yan sa akin Zonia dahil ramdam ko na tapat sya akin at ako lang ang mahal niya.
Claire: Ako rin Carlo pero baka nagsawa na si Zonia sayo kaya nagawa niya yun. Mauna na ako Carlo kailangan ko nang umuwi sa bahay.
Carlo: Ang sakit isipin. Oh sige Claire, mag-ingat ka. Salamat sa impormasyon mo.
Pagkatapos ni Claire na masabi kay Carlo ang kanyang plano ay tuwang-tuwa siya dahil nagawa niya at sabik na siya sa magiging resulta.
Claire: Ara? Tapos ko nang nasabi kay Carlo kanina na may iba si Zonia. At kung nakita mo lang kung ano ang naging reaksyon ni Carlo.
Ara: Hahaha baliw ka talaga Claire. Hanga na ako sa iyo. Gagawin mo talaga ang lahat mapa sa iyo lang si Carlo.
Hindi na pinapansin ni Carlo si Zonia at si Zonia naman ay walang kamalay-malay sa ginawa nina Claire at Ara kaya nagtataka siya kung bakit hindi na nagpaparamdam si Carlo sa kanya. Text ng text si Zonia kay Carlo oras-oras ngunit hindi ito sumasagot. Kaya halos matamlay nalang parati si Zonia dahil sa kanyang dinaramdam. Samantala, narinig naman ni Maine ang usapan at masamang plano nina Claire at Ara kaya sinabunutan ni Maine ang mga ito at dali-daling nagtungo kay Zonia upang sabihin.
Maine: Alam ko na ngayon kung bakit hindi na nagpaparamdam si Carlo sayo dahil sa ginawang  masamang plano nina Claire at Ara.
Zonia: Hindi ako makapaniwala na magagawa nila ito sa akin, dahil itinuring ko silang mga totoong kaibigan pero gaganitohin lang pala nila ako.

Nakonsensya sina Claire at Ara sa kanilang ginawa kaya ipinaliwanag nila ang lahat kay Carlo lalo na ang kanilang masamang plano. Iyak ng iyak si Zonia dahil sa nangyari. Nagparamdam na si Carlo kay Zonia at sila ay nagkabalikan muli. Matagal-tagal rin nila bago napatawad sina Claire at Ara pero sa huli, napatawad na nila ang mga ito. 

Mitolohiya: “Tadhana”

May isang kaharian na puno ng kagandahan at kaysigla ng pamumuhay lalo na ang mga mamamayan. Hindi lang dahil sa maganda ang paligid nito kundi ay dahil rin sa tatlong anak ng reyna, dahil sa nakakasilaw nilang kagandahan. Pinoprotektahan ng mga mamamayan ang tatlong prinsesa upang mapanatili ang kagandahan at kaligtasan ng pamayanan. Nasa kamay ng reyna at hari ang lahat ng katangian ng kapangyarihan maliban nalang sa tatlong kapangyarihan na ibinahagi nila sa kanilang tatlong anak. Ang tatlong prinsesa ay sa Eris, Eve, at si Eun. Si Eris ang nakakatandang kapatid at taglay niya ang kapangyarihan ng apoy. Si Eve ang ikalawang nakakatandang kapatid at taglay niya ang kapangyarihan ng hangin. At si Eun naman ang bunso nilang kapatid at ang kanyang kapangyarihan ay tubig. Sa isang banda ang reyna at ang hari ay nagpatupad ng isang magarang kasiyahan dahil darating ang dalawang prinsipe galing sa malayong kaharian. Ang dalawang prinsipe ay si Jas at si Ran. Si Jas ang pinakamatandang kapatid at sinu-solusyunan niya ang mga problema ng kanilang pamayanan at pasayahin ang mga taong malungkot. Si Ran naman ay kaya niyang paibigin ang isang tao at palambutin ang batong puso ng isang tao. Ang lahat ay hindi magkaugaga sa paghahanda para sa kasiyahan. Ang mga prinsesa naman ay naghahanda sa kanilang susuutin at pagpaganda. Si Eun naman ay nagagalak na makita si Ran dahil matagal na niya itong hinahangaan kahit ang kaniyang mga kapatid hindi nila alam ang lihim nitong pagtingin. Sa araw na ito balak ng prinsesa na ipagtapat ang kaniyang pag tingin kay Ran kaya lubos siyang naghanda. Tumunog na ang trumpeta na senyalis na dadarating na ang mga bisita. Sa isang malaking mesa umupo ang dalawang prinsipe kasama ang kanilang mga magulang. Ang kanilang tagapag salita ay ina-nunsiyo na bababa na ang tatlong prinsesa, unang bumaba ay si Eris at inalalayan agad ni Jas at sumunod naman si Eve at inalalayan agad ni Ran at sobrang nagulat si Eun sa nangyari. Nang nakita ng kaniyang ama na walang umalalay kay Eun kaya ang kanyang ama nalang ang umalalay sa kanya pababa. Binaliwala nalang niya ito at inisip niya na nauna lang bumaba ang kanyang kapatid kaya naghanda siya sa susunod niyang diskarte na ipagtapat ang kaniyang nararamdaman. Ang lahat ay kumakain na at ng matapos ang kainan bigla nalang tumugtog ang isang magandang awitin na kailangang sayawin ng mag kasintahan. Naisipan ni Eun na ito na ang tamang panahon. Lalapit na sana siya ng biglang tumayo si Ran at pumunta sa harapan ni Eve at niyaya niya itong magsayaw at pumayag naman ito. Natulala si Eun sa nangyari lalapit na sana siya ng biglang nagsalita si Ran, “Eve nang una kitang nasilayan sa aming lugar labis ang tibok ng aking dibdib at nang makilala kita ng matagal mas lalo akong nahulog sayo at gusto kung sabihin sayo na mahal kita”. Biglang nabitawan ni Eun ang basong daladala nito at nagulat ang sina Ran at Eve at napalingon sila sa kinalalagyan nito at biglang tumakbo ng mabilis si Eun palabas sinubukan nila itong habulin ngunit malayo na ito. Sobrang nalungkot si Eve dahil sa ikinikilos ni Eun dahil nalaman niyang may lihim itong pagtingin kay Ran. Nang nakalabas na si Eun agad siyang dumiretso sa baybayin at gamit ang kaniyang kapangyarihan binuo niya ang tubig na mala buhawi at sumakay siya dito gusto niyang makalayo at ayaw na niyang bumalik doon dahil masasaktan lang siya. Sobrang dilim ng paligid at lumingon siya sa kaniyang paligid nakita niya sa kaniyang likuran na maraming humahabol sa kanya at hindi niya ito kilala o mga kawal man lang nakaramdam siya ng takot dahil sila ay nakasakay sa walis. Sa kanyang likod ay nakita niya ang babae na tinutukan siya ng isang mahiwagang kumpas at may sinabi ito ng bigla itong lumiwanag at parang matatamaan siya at umiiwas siya dito dahil hindi niya alam ang mangyayari pag natamaan siya nito, unang beses niyang makakita nang ganoong mahika. Biglang lumakas ang hangin at sa sobrang lakas hindi na niya kayang kontrolin ang tubig. Nang may nakita siyang isang lupain huminto siya dito at bumaba. Agad-agad siyang bumaba dito at tumakbo ng mabilis, hindi na siya lumilingon dahill alam niya na hinahabol siya ng mga ito . Malapit na siyang mahuli ng biglang may humila sa kanya at tinakpan ang kaniyang bibig, ng napag alaman ni Eun na wala na  ang mga humahabol sa kanya, binitawan niya ang kaniyang kamay at humarap siya sa humila sa kanya. “Binibini, ayos kalang ba? mabuti pa at sumama ka sakin, dahil ligtas ka sa bahay ko.” sambit ng lalaki. Nagdadalawang-isip si Eun ngunit nakumbinsi siya ng lalaki. Papunta sila sa isang magubat na lupain at mayroong  pinto sa ilalim ng lupa binuksan niya ito at may hagdan sa loob inalalayan siyang makababa hanggang nakarating siya sa isang malaking palasyo at napag alaman ni Eun na ang mga mamamayan doon ay mga diyos at diyosa. At ang mga humabol sa kanya ay mga mangkukulam at balak nilang kunin ang kanyang kapangyarihan. Napag alaman rin niya na ang lalaki ay si prinsipe Winston. At ang ikinagulat niya na si prinsipe Winston pala ang bunsong kapatid nila Jas at Ran. Prinsipe siya ng paglalakbay at pag-aalaga ng kalikasan, at napag-alaman ni Eun na tumakas ang prinsipe sa kanilang kaharian dahil ayaw siyang pahintulutan ng hari na  maglakbay kaya sinunod niya ang kanyang sarili at naglakbay siya at napadpad doon. Sa pagdating ng mahabang panahon nagkamabutihang loob sila Eun at prinsipe Winston kaya nagtapatan na sila ng kanilang mga nararamdaman. Nauwi sa magrandeng kasalan kasama ang kanilang mga pamilya. Nagkapatawaran at nagkabati narin silang magkakapatid. At naging mapaya, sumigla at lalong mas gumanda ang kanilang pamumuhay.

Pabula: “Lihim na Pagtingin”

May isang aso at maya na matagal nan a matalik na magkaibigan,  halos araw-araw ay sila ang magkasama at tila kalahati sa buhay nila ay magkasa sila sa isa’t-isa. Hanggang sa lumaki na sila ay sila parin ang parating magkasama, magkalaron at magkasundo sa lahat ng bagay. Ngunit, ang hindi alam ng aso na may gusto o lihim na pagtingin na pala ang maya sa kanya at pinipilit na itago lang ito ng maya dahil siya ay nahihiya na umamin nab aka hindi na sila pareho ng dati na sobrang magkalapit sa isa’t-isa. Isang araw, nalaman nalaman nalang ng maya na may iba na pala ang kanyang matalik na kaibigan na si aso kaya halos gumuho ang mundo ni maya at siya ay iyak ng iyak. At hindi narin sila gaanong nagkikita at nagsasama kay tinitiis nalang ni maya ang sakit na kanyang nararamdaman. Makalipas ang ilang araw, habang namamasyal ang aso mag-isa, nakita niya si maya na may kasamang iba at ito ay si agila. Hindi alam ni aso kung bakit siya nasaktan nang makita niya si maya na may iba kay siya nagtataka at tanong ng tanong sa kanyang sarili at dahil dito umuwi nalang si aso na may dinaramdam. Sila ay hindi na pareho ng dati na parang nakalimutan na nila ng isa’t-isa dahil sila ay mga abala na sa kanya-kanyang buhay kaya halos medaling naglaho ang kanilang pagkakaibigan. Isang araw, napag-isipan ng aso na puntahan si maya sa kanilang bahay at bisitahin o kamustahin ito. Kaya pinuntahan niya talaga ito at ng nasa pintuan na ng bahay ni maya ang aso, nagtaka siya bakit walang sumasagot sa kanyang mga katok. At nakarinig si aso ng mayroong nagsisigawan sa loob ng bahay at dahil hindi siya nakapasok, sumilip nalang siya sa bintana at nakita niya ang maya at ang kasintahan nito na nag-aaway at sinasaktan ni agila si maya kaya di nagdalawang-isip si aso at pinasok niya ang bahay at ipinagtanggol si maya. At pagkatapos noon, ay inamin na ni aso na gusto nya si maya dahilan upang hiwalayan ni aso ang kanyang kasintahan. Nanghingi ng tawad si as okay maya dahil hindi niya kaagad inamin na may gusto siya dito dahil natatakot siyang mabigo kay maya at ma-apektuhan ang kanilang pagka-kaibigan. Kaya sila ay pareho nang ulit nagkagustuhan sa isa’t-isa at mas humigit ang kanilang pagsasama.

 May isang aso at maya na matagal nan a matalik na magkaibigan,  halos araw-araw ay sila ang magkasama at tila kalahati sa buhay nila ay magkasa sila sa isa’t-isa. Hanggang sa lumaki na sila ay sila parin ang parating magkasama, magkalaron at magkasundo sa lahat ng bagay. Ngunit, ang hindi alam ng aso na may gusto o lihim na pagtingin na pala ang maya sa kanya at pinipilit na itago lang ito ng maya dahil siya ay nahihiya na umamin nab aka hindi na sila pareho ng dati na sobrang magkalapit sa isa’t-isa. Isang araw, nalaman nalaman nalang ng maya na may iba na pala ang kanyang matalik na kaibigan na si aso kaya halos gumuho ang mundo ni maya at siya ay iyak ng iyak. At hindi narin sila gaanong nagkikita at nagsasama kay tinitiis nalang ni maya ang sakit na kanyang nararamdaman. Makalipas ang ilang araw, habang namamasyal ang aso mag-isa, nakita niya si maya na may kasamang iba at ito ay si agila. Hindi alam ni aso kung bakit siya nasaktan nang makita niya si maya na may iba kay siya nagtataka at tanong ng tanong sa kanyang sarili at dahil dito umuwi nalang si aso na may dinaramdam. Sila ay hindi na pareho ng dati na parang nakalimutan na nila ng isa’t-isa dahil sila ay mga abala na sa kanya-kanyang buhay kaya halos medaling naglaho ang kanilang pagkakaibigan. Isang araw, napag-isipan ng aso na puntahan si maya sa kanilang bahay at bisitahin o kamustahin ito. Kaya pinuntahan niya talaga ito at ng nasa pintuan na ng bahay ni maya ang aso, nagtaka siya bakit walang sumasagot sa kanyang mga katok. At nakarinig si aso ng mayroong nagsisigawan sa loob ng bahay at dahil hindi siya nakapasok, sumilip nalang siya sa bintana at nakita niya ang maya at ang kasintahan nito na nag-aaway at sinasaktan ni agila si maya kaya di nagdalawang-isip si aso at pinasok niya ang bahay at ipinagtanggol si maya. At pagkatapos noon, ay inamin na ni aso na gusto nya si maya dahilan upang hiwalayan ni aso ang kanyang kasintahan. Nanghingi ng tawad si as okay maya dahil hindi niya kaagad inamin na may gusto siya dito dahil natatakot siyang mabigo kay maya at ma-apektuhan ang kanilang pagka-kaibigan. Kaya sila ay pareho nang ulit nagkagustuhan sa isa’t-isa at mas humigit ang kanilang pagsasama.

Maikling Kwento: “Panaginip”

Mayroong isang binatang lalaki na nagngangalang Albert. Gabi-gabi ay may napapanaginipan syang isang babae, hindi niya malaman kung sino at ano ang itsura nito dahil sa napakasilaw ng lugar kaya di niya ito ma-aninag. Isang araw, ang kanyang ama ay nagkaroon ng malalang sakit kaya kinakailangan na lunasan ito sa madaling panahon. At ang tanging lunas lamang ay ang isang bulaklak na hindi madaling Makita o mahanap at ito ay ang bulaklak ng buhay. Iminungkahi ni Albert sa kanyang ama na kailangan syang lumisan ng kanilang lugar at hanapin ang tanging lunas sa medaling panahon dahil nakasalalay sa kanyang ama ang kinabukasan ng kanilang bayan sapagkat ang kanyang ama ang namumuno dito at batay sa kanilang batas hindi pa maaaring mailipat kay Albert ang trono dahil wala pa sya sa sapat na edad. Mayroong pitong kagubatan na dapat lalakbayin si Albert at sa pitong kagubatan na ito, ang bulaklak ay naroon lamang sa isang natatanging kagubatan kaya kailangan niya itong hulaan at mahanap. Bago maglakbay, naghanda na kaagad si Albert at ang tanging dala niya lang ay dalawang pares ng damit, bote ng tubig, at tatlong pan. Una niyang nilakbay ang bundok ng pyparus, ang bundok na ito ay puno ng mga nakalalasong amoy ng bulaklak kaya habang nilalakbay niya itong bundok, tinatakpan rin niya ang kanyang ilong upang hindi mahilo at magpatuloy sa paglalakbay, natapos niya ang paglalakad sa bundok ngunit siya ay nanghihina na. Ang sumunod na bundok na kanyang lalakbayin ay ang bundok higante. At ang bundok na iyon ay puno ng marami-raming mga higante kaya kinakailangan niyang umisip ng paraan upang makalusot sa mga ito kaya ang tanging naisip niya lamang ay pahiran nya ng dumi ang kanyang katawan upang matakpan ito. At sa huli ay matagumpay na nagawa ito ni Albert. Sa ikatlong bundok naman na nada-anan ni Albert ay ang bundok na napaka-mapanganib na di ina-asahan ni Albert dahil sa napakaraming mga bangin na nakapaloob dito. Nakakita si Albert ng isang talon at tumungo siya dito at naparami ang inom niya ng tubig dahil siya ay uhaw na uhaw. Hindi batid ni Albert na ang pinuntahan niyang talon ang naging dahilan upang mapunta sya sa maling direksyon. Kaya nagpatuloy si Albert sa paglalakad ng di niya namalayan na siya ay hinang-hina na pala kaya bigla nalang siyang nahilo at tuluyang bumagsak sa malalim at liblib na bangin. Ilang minuto ang nakalipas, at nagkamalay na siya, nakarinig siya ng boses ng isang babae at ito ay tila isa sa mga pinakamagandang boses na kanyang napakinggan. Dahan-dahan na idinilat ni Albert ang kanyang mga mata, malapitan niyang natanaw at na-aninag ang mukha ng babae at sa di ina-asahan ang babae na nasa kanyang harapan ay ang babae palang nasa panaginip niya. Nagkatitigan sila at sabay na kinilala ang isa’t-isa ang panganlang pala ng babae ay Rosa. Nagtanong si Rosa kay Albert kung bakit at ano ang dahilan paano napunta si Albert doon, “Ang aking ama ay may malubang karamdaman at ang tanging lunas lamang dito ay ang bulaklak ng buhay” sagot naman ni Albert. At si Albert naman ang nagtanong kay Rosa paano siya napunta doon, “Ako ay ikinulong dito ng aking salbaheng mangkukulam na kapit-bahay dahil siya ay naiingit sa aking kagandahan” sagot naman ni Rosa. Ginugol nila ang kanilang oras at napalapit ang kanilang loob sa isa’t-isa. Sinabi ni Albert na hindi sila pwede na manatili lang doon kaya nag-isip sila pareho ng paraan upang makalabas sa bangin. Mabuti na lang ay may may lubid na idinala si Albert loob sa kanyang sisidlan kaya ito ang kanilang ginamit. At saw akas ay nagtagumpay sila at inamin rin ni Rosa na siya ay isang diwata at sa kanya rin mahahanap ang bulaklak ng buhay, dahil sa ini-ingatan talaga ito ni Rosa ay ikinabit niya ito parati sa kanyang buhok at ginawang tali ng buhok. Hindi makapaniwala si Albert sa kanyang narinig. At napagpasyahan ni Rosa na sumama kay Albert at ibigay ito sa kanyang ama na nangangailangan ng lunas kapalit ng malaking tulong na ginawa ni Albert para sa kanya. Ilang buwan ang lumipas si Albert at Rosa ay nagsama at nagpakasal at sila ay namuhay ng masaya at mapayapa.

Tula: "Tunay na Pag-ibig"

Pag-ibig ay makapangyarihan
Malaking epekto sa ating nararamdaman
Minsan, dahilan ng ating pagkabigo
Ngunit, madalas kasiyahan ang dulot nito


 Walang makakapantay sa pagmamahalan
Ng dalawang taong nag-gugustuhan
Dahil pareho nilang ipinaglalaban
Ang matindi nilang samahan


 Pagmamahal ay parang sugal
Na tataya ka para sa iyong pinakamamahal
Dahil gagawin lahat ng sakripisyo
Kahit mabigo o matalo


 Tunay na pag-ibig ay wagas
Madarama mo ito hanggang wakas
Kaya kilalanin muna sa simula
Upang makahanap ng magmamahal ng dakila