Si Zonia ay isang mabait, masayahin
at matalinong dalaga, halos lahat nasa kanya na kaya sya ay hinangangaan ng
iba. Marami-rami narin ang nangligaw kay Zonia ngunit lahat nang ito ay bigo
dahil para sa kanya wala pa sya sa tamang edad para magkaroon ng kasintahan at
pinagbabawalan din siya ng kanyang mga magulang. Kaya mga kaibigan lang muna
niya ang kanyang parating kasama sina Claire, Ara, at Maine.
Maine: Zonia, kilala mo si Carlo? Nagtanong sya sakin kanina
kung pwede bad aw manghingi ng number mo?
Zonia: Sinong Carlo? Sabihin mo ayoko at tsaka hindi ko rin
naman siya kilala.
Maine: Ang sungit naman nito. Oh sige, sabihin ko mamaya.
Ganoon parati si Zonia sa lahat ng mga lalaki na naghahabol
sa kanya. Maya-maya habang papunta si Zonia ng canteen dahil may bibilhin siya lumapit
si Maine sa kanya.
Maine: Zonia? Kinukulit ako ni Carlo kung pwede ba daw
humingi ulit ng number mo baka kasi pumayag ka na daw. Gusto ka daw niya kasing
maging kaibigan.
Zonia: Oh sige na nga.
Binigay ni Maine kay Carlo ang number ni Zonia. Kaya sila
Carlo at Zonia ay nag-umpisa nang magkakilala sa text. Namangha si Zonia sa
ugali ni Carlo dahil ito ay tapat sa kanyang sarili at pakiramdam niya ay iba
si Carlo sa ibang mga lalaki.
Claire: Zonia, ang swerte mo talaga kay Carlo dahil
napakabait talaga nito.
Zonia: Ano kaba. Hindi naman kami. Hanggang kaibigan lang yun.
Claire: Ahhh ganun ba.
Araw-araw nang magka-text sina Zonia at Carlo sa isa’t-isa
at napalapit na rin ang kanilang mga loob. Hanggang sa dumating ang punto na
nagtanong si Carlo kay Zonia na kung pwede bang manligaw. Natagalan ang
pagsagot ni Zonia at sa huli ay pumayag siya.
Zonia: May sasabihin ako sa inyo. Pumayag na akong mangligaw
si Carlo sa akin.
Claire, Ara, at Maine: Talaga?
Ara: Hindi kami makapaniwala dahil sa wakas ay magkakaroon
ka na talaga ng kasintahan.
Zonia: Hahaha. Pero mas kikilalanin ko muna siya bago ko
siya sasagutin.
Lumipas ang limang buwan at sila na nga nina Zonia at Carlo.
Parati silang magkasama at masaya sa isa’t-isa. Hanggang sa umabot sila ng
ika-labing-isang buwan ng pagiging sila. Ngunit hindi alam ni Zonia na mayroon
palang gusto si Claire kay Carlo matagal-tagal na.
Claire: Alam mo Ara? Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili
ko at ang sakit-sakit na sa tuwing makikita ko sila Zonia at Carlo na
magkasama.
Ara: Kung gayon? Anong nais mong gawin?
Claire: May naisip akong plano, gusto kong tulungan mo ako
upang maging matagumpat ito at mapa sa akin si Carlo.
Ara: Oh sige Claire. Tutulungan kita diyan. Alam mo naman na
dati pa lang may konting inggit na ako diyan kay Zonia.
Pinag-usapan kaagad nina Claire at Ara ang kanilang masamang
naisip na plano. Hindi nila pinag-alam at sinali si Maine sa kanilang plano
dahil batid nila na tapat si Maine kay Zonia. Kaya inumpisahan na ni Claire ang
kanyang plano at kina-usap niya si Carlo.
Claire: May sasabihin ako sayo Carlo, nakita namin kanina si
Zonia na may kasamang iba habang namamasyal sa mall. Gusto ko lang malaman mo
ito dahil na-aawa ako sayo sa ginawa Zonia. Mas mabuti na huwag mo nalang
ipa-alam kay Zonia na ako ang nagsabi sayo.
Carlo: Totoo ba yan Claire? Hindi ako naniniwalang magagawa
yan sa akin Zonia dahil ramdam ko na tapat sya akin at ako lang ang mahal niya.
Claire: Ako rin Carlo pero baka nagsawa na si Zonia sayo
kaya nagawa niya yun. Mauna na ako Carlo kailangan ko nang umuwi sa bahay.
Carlo: Ang sakit isipin. Oh sige Claire, mag-ingat ka.
Salamat sa impormasyon mo.
Pagkatapos ni Claire na masabi kay Carlo ang kanyang plano
ay tuwang-tuwa siya dahil nagawa niya at sabik na siya sa magiging resulta.
Claire: Ara? Tapos ko nang nasabi kay Carlo kanina na may
iba si Zonia. At kung nakita mo lang kung ano ang naging reaksyon ni Carlo.
Ara: Hahaha baliw ka talaga Claire. Hanga na ako sa iyo.
Gagawin mo talaga ang lahat mapa sa iyo lang si Carlo.
Hindi na pinapansin ni Carlo si Zonia at si Zonia naman ay
walang kamalay-malay sa ginawa nina Claire at Ara kaya nagtataka siya kung
bakit hindi na nagpaparamdam si Carlo sa kanya. Text ng text si Zonia kay Carlo
oras-oras ngunit hindi ito sumasagot. Kaya halos matamlay nalang parati si
Zonia dahil sa kanyang dinaramdam. Samantala, narinig naman ni Maine ang usapan
at masamang plano nina Claire at Ara kaya sinabunutan ni Maine ang mga ito at
dali-daling nagtungo kay Zonia upang sabihin.
Maine: Alam ko na ngayon kung bakit hindi na nagpaparamdam
si Carlo sayo dahil sa ginawang masamang
plano nina Claire at Ara.
Zonia: Hindi ako makapaniwala na magagawa nila ito sa akin,
dahil itinuring ko silang mga totoong kaibigan pero gaganitohin lang pala nila
ako.
Nakonsensya sina Claire at Ara sa kanilang ginawa kaya
ipinaliwanag nila ang lahat kay Carlo lalo na ang kanilang masamang plano. Iyak
ng iyak si Zonia dahil sa nangyari. Nagparamdam na si Carlo kay Zonia at sila
ay nagkabalikan muli. Matagal-tagal rin nila bago napatawad sina Claire at Ara
pero sa huli, napatawad na nila ang mga ito.
Nice
TumugonBurahinAmazing��
TumugonBurahinMagaling
TumugonBurahinMagaling na magulo
TumugonBurahinThank for typing like that`
TumugonBurahinKung ilalagay ang kwento sa radio sino ang magiging letter sender sa kanila ?
TumugonBurahinsino po ang author nito for academic purposes lang po. thank you
TumugonBurahinMagaling!!
TumugonBurahinNakakagil Ang ganyan kaibigan...ang galing
TumugonBurahinPwede ba mahiram? ang ganda ng laman nawa'y marami kapang maisulat🥰
TumugonBurahinNakakagigil naman 'yong ganito HAHAHAH pero ang galing
TumugonBurahinSaan po ang kanilang naging tagpuan?
TumugonBurahinsinong awtor??
TumugonBurahinsinong may akda?
TumugonBurahinAng ganda po
TumugonBurahinPag kakaibigan
TumugonBurahinGanda ng kwento tsaka ndi deserve ni zonia si ara at claire
TumugonBurahindtyer
TumugonBurahin